-- Advertisements --

Kinondina ng World Health Organization at maraming mga bansa ang naganap na missile attack sa Al Ahli Arab Hospital sa Gaza na ikinasawi ng halos 500 katao.

Sinabi niila na nararapat na mabigyan ng proteksyona ng mga sibiliyan na nadadamay sa gulo ng Israel at mga Hamas Militants.

Sinabi rin ni European Council President Charles Michel na ang nangyaring pag-atake ay hindi na naayon sa mga international laws.

Isinisi ng Iran-backed na Hezbollah ang Israel sa nasabing madugong atake na nararapat na mabigyan ng aksyon.

Una ng itinanggi ng Israel ang insidente kung saan isinisi nila sa Hamas ang pangyayari na pumalpak umano ang kanilang rocket na patungo sa Israel.