-- Advertisements --
Naghigpit ang White House sa mga pumapasok at lumalapit na iba’t ibang mga opisyal.
Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang mga opisyal ng White House.
Sa inilabas na memo ng White House, nakasaad doon na dapat daw ay magsuot ang mga pumapasok ng facemask na manggagaling sa kanilang medical office.
Sa ginawang briefing ni US President Donald Trump, ipinagmalaki nito ang domoble ang bilang ng mga sumasailalim ng coronavirus testing sa isang araw.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga pribadong kompanya para sa pagde-deliver ng mga milyong bilang ng personal protective equipment.
Nagdagdag din sila ng mga testing centers sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bansa.