-- Advertisements --

tawitawi2

Tiniyak ng AFP (Armed Forces of the Philippines) Western Mindanao Command (WestMinCom) na paiigtingin ang kanilang maritime operations para sa seguridad, proteksyon ng likas na yaman, at mga mamamayan lalo na sa malalayong lugar.

Ito ang siniguro ni AFP WestMinCom commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., sa kanyang pagbisita sa Tawi-Tawi.

Nagkaroon din ito ng courtesy call sa local chief executives ng munisipalidad ng Mapun at Simunul.

Binisita rin ni Rosario ang 2nd Marine Brigade sa Bongao, 312th Marine Company aa Taganak, at Tactical Operations Group sa Mapun upang mapataas ang morale ng mga sundalo at alamin ang security situation sa kanilang nasasakupan.

tawitawi1

Samantala, nakibahagi ang heneral sa pagpapakawala ng daan-daang pagong sa Baguan Island at binisita ang Sheik Karimol Makhdum Mosque sa Simunul.