-- Advertisements --

Lantad pa rin sa pagbuhos ng ulan ang ilang bahagi ng Mindanao, lalo na ang kanlurang bahagi nito dahil sa isang low pressure area (LPA).

Huling namataan ang LPA sa layong 195 km sa kanluran hilagang kanluran ng Zamboanga City.

Kabilang sa mga makakaranas ng mga biglaang ulan ang lugar ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga City.

Sa ngayon, nananatiling maliit ang tyansa ng namumuong sama ng panahon upang maging ganap na bagyo.

Maliban dito, nagdudulot din ng maulap na papawirin sa Visayas at iba pang parte ng Mindanao ang easterlies o hanging nanggagaling sa Pacific Ocean.