CENTRAL MINDANAO – Nalambat ng mga otoridad ang isang lalaki sa ikinasang drug buybust operation sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Jovenil Bitagcor Diaz, 44, welder, may asawa at residente ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ayon kay Pigcawayan chief of police Major Carl Jayson Baynosa na nagsagawa ng drug buybust operation ang Drug Enforcement Unit ng Pigcawayan MPS sa Barangay Capayuran, Pigcawayan, Cotabato laban sa suspek.
Nang iabot na ni Diaz ang droga sa PNP-asset ay doon na ito hinuli.
Nakuha sa suspek ang isang medium sized at limang small sized plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ang marked money na ginamit sa operasyon.
Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Pigcawayan MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.