-- Advertisements --
Napasok ng mga hacker ang online application database ng Office of the Solicitor General kaninang umaga.
Ang hacker, na nagpakilala na si Phantom Troupe, ay nag-iwan ng mensahe sa page ng website, na nagsasabing ““Stop blackmailing the NTC! Give ABS-CBN provisional authority”.
Matatandaan na si Solicitor General Jose Calida ang siyang nagsabi sa National Telecommunications Commission (NTC), sa pamamagitan ng isang liham, na maglabas ito ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Binalaan din ni Calida ang NTC sa pagbibigay sa ABS-CBN ng provisional authority, na ipinangako ng commission sa Kongreso noong Marso.
Sa ngayon, balik na sa normal ang online application database ng OSG.