-- Advertisements --

Napasok ng hinihinalang hackers ang official websites ng House of Representatives.

Nangyari ang insidente ilang araw matapos na pasukin din ng hackers ang website ng Senate of the Philippines.

Inako ng ilang hackers ang nasabing pagsira ng website ng House of Representatives.

Sinabi nila na isa itong protesta laban sa kurapsyon na nagaganap sa gobyerno.

Magugunitang noong Huwebes ay pinasok ng hackers ang website ng Senado kung saan sinabi ni Senate Pro Tempore Sherwin Gatchalian na ito ay isang uri ng lumalalang banta sa institusyon.