Pag-aaralan na ng World Boxing Council (WBC) ang naging pahayag ng beteranong referee na si Carlos Padilla na tinulungan niya umano si Manny Pacquiao na manalo laban kay Australian boxer na si Nedal Hussein noong 2000.
Sinabi ni WBC President Mauricio Sulaiman na may binuo na silang grupo para tignan ang nasabing alegasyon.
Nakatanggap umano sila ng sulat mula sa panganay na anak ni Padilla kung saan sinabi nito na maaaring na-misinterpret lamang ang pahayag nito.
Dagdag pa ni Sulaiman na hindi muna sila magbibigay ng anumang pahayag hanggang hindi pa natatapos ang isinagawang imbestigasyon.
Magugunitang ibinunyag ng Hall of Famer boxing referee na si Padilla na tinagalan niya ang bilang ng mapatumba si Pacquiao ganun din ang hindi pagtawag niya ng headbutt sa laban na ginanap dito sa Pilipinas.