-- Advertisements --

Nakikita ng isang eksperto mula sa OCTA Research group na isang magandang senyales na posibleng patapos na ang wave ng Omicron XBB subvariant dahil sa naobserbahang pagbaba ng positivity rates o porsyento ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar sa Luzon.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, ilan sa mga factors kung bakit inilagay sa pinakamaluwag na alert level 1 ang buong NCR at 72 iba pang mga lugar sa Calabarzon at Central Luzon mula ngayong araw, November 1 hanggang November 15 ay dahil sa kanilang mataas na vaccination coverage.

Una ng sinabi ni Dr. David na ang XBB subvariant ay ang recombinant ng dalawang Omicron subvariants na posibleng dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases sa NCR noong buwan ng Setyembre.

Subalit ngayon, nakikita na unti-unti ng bumababa ang mga kaso.

Base sa latest data, ang 7-day covid-19 positivity rate o ang porsyento ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga nasuring indibdiwal ay bumaba sa 10% noong Oktubre 29 mula sa dating 12.3% na naitala noong October 22.