-- Advertisements --

Lusot na sa house panel ang panukalang batas na magtatag ng Water Resources Bill na malaking tulong din sa pagtugon sa isyu ng mga pagbaha.

Si House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district, Representative Joey Salceda na siyang principal author and technical working group chair para sa National Water Act.

Ayon kay Salceda ang pagbuo ng Department of Water Resources ay makakatulong sa pagtugon sa mga problema sa pagbaha lalo na sa mga urban areas sa pamamagitan ng pagbibigay ng framework para stormwater management at drainage services.

Ang panukalang National Water Act na bubuo ng Department of Water Resources at Water Regulatory Commission ay inaprubahan ng Committees on Public Works and Government Reorganization.

Ayon kay Salceda ang nasabing panukalang batas ay isa sa priority measures ng Marcos Jr administration.

Salceda explained that the bill “unifies policy-making, planning, and management for water and septage under a single department called DWR. The DWR Secretary is given functions of presidential adviser on all water-related issues.”

Pinag-iisa rin ng panukala ang mga tungkulin sa regulasyon, pagtatakda ng rate, at paglilisensya sa ilalim ng Water Regulatory Commission na isang quasi-judicial body na katulad ng ERC; Pinupuunan din nito ang mga gaps sa patakaran kabilang ang regulasyon ng tubig sa mga probinsiya.

“There is no existing regulatory framework for stormwater and drainage management by the private sector in our laws. The Clean Water Act (RA 9275) merely mentions storm water in the context of sewage treatment standards. Nothing in our laws gives us a regulatory framework for stormwater management. This will change that,” pahayag ni Salceda.

Sinabi rin ni Salceda prayoridad ng nasabing panukala ang surface water development,“na magbabawas sa paggamit ng groundwater na siyang nagiging sanhi ng pagbaha sa mga lugar tulad ng Bulacan, na lumulubog ng 1.5 hanggang 2.4 pulgada taun-taon.