-- Advertisements --

Inamin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration Pagasa na patuloy ang pag-taas ngayon ng water level sa Angat Dam kasunod ng mga pag-ulan kamakailan.

Batay sa latest monitoring ng tanggapan, nasa 159.85-meters na ang lebel ng tubig sa naturang dam mula sa 158.64 kahapon.

Bagamat nasa critical level pa rin ang Angat ay patuloy daw na tinututukan ng mga opisyal ang paggalaw sa estado at sukat ng tubig doon.

Pareho rin ang sitwasyon sa La Mesa Dam na nagkaroon ng increase sa water level sa 71.76-meters nitong umaga.

Naglabas na ng yellow rainfall warning ang Pagasa sa bahagi ng Bulacan kung saan inaasahan ang 7.5 hanggan 15-milimiter na sukat ng tubig ulan kada oras.

Kapwa sine-serbisyuhan ng Angat at La Mesa Dam ang Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan.