Minaliit lamang ng Golden State Warriors ang nalasap nilang talo sa Game 1 sa NBA Finals laban sa Boston Celtics.
Para sa coaching staff at mga players, bagamat maraming mga fans ang nadismaya, hindi naman daw dapat mag-panic dahil malayo pa magtapos na ang serye ay best-of-seven series.
Ayon sa two-time MVP at dating scoring champion na si Stephen Curry, babawi sila sa Lunes sa Game 2.
Kinakailanga daw na magkaroon sila ng adjustment sa diskarte lalo na at pinaulanan sila ng three point shots pagsapit ng 4th quarter.
Sinabi rin ni Curry, at mga veteran players na sina Klay Thompson, Draymond Green at coach Steve Kerr, sanay na raw sila sa matitinding pagsubok at tiyak na babangon sila.
Ang pagkatalo ng Warriors ay kauna-unahan ngayong postseason sa isang serye.