Bumawi ang Golden State Warriors laban sa Los Angeles Lakers, matapos nilang tambakan ang huli ng 15 points para pwersahin ang Game 6.
Sa naging panalo ng Warriors, tatlo sa mga players nito ang nag-ambagan ng tig-20 points na kinabibilangan nina Stephen Curry na may 27, 22 kay Andrew Wiggins, at 20 points, 10 rebounds mula sa kanilang defensive specialist na si Draymond Green.
Nasayang naman ang 25 points 9 rebounds ni Lebron James, kasama na ang 23 points 9 rebounds ni Anthony Davis, para sa Lakers.
Sa kabuuan ng laro, nagawa ng Warriors na lamangan ang Lakers, sa likod ng magandang depensa na ipinakita nina Lebron at Davis.
Sinubukan naman ng Lakers na humabol sa sa 4th quarter ngunit sa pamamagitan ng magandang opensa ng Warriors, ay nakaya nilang makalayo ng husto mula sa kamay na Los Angeles.
Babalik sa Crypto Arena sa Los Angeles ang do-or-die na Game 6 sa pagitan ng dalawa, habang hawak pa rin ng Lakers ang lead, 3 – 2.