Arestado ang isang dating pulis na wanted sa kasong Homicide sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Kinilala ni PNP IMEG Director Police BGen. Samuel Nacion ang suspek na si Ex-Staff Sgt. Luis Jomok III, na dati nang sinibak sa serbisyo.
Inaresto si Jomok kahapon sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Setyembre 2021, kaugnay ng pamamaril ng suspek noong Augosto 2018 na nagresulta sa pagkamatay ng biktimang si Billy Lozada.
Ayon kay BGen. Nacion, tinangka pa umano ng suspek na suhulan ng P2 million ang mga pulis na umaresto sa kanya na tinanggihan nila.
Tiniyak naman ni Lt. Gen. Danao na ipapataw ang buong pwersa ng batas laban sa suspek na bilang dating pulis ay nakakasira sa imahen ng PNP.
Iniulat naman ng PNP-IMEG na simula na mag-assume sa pwesto si BGen. Nacion nuong May 18, 2022 nasa walong active at mga dating PNP personnel ang kanilang naaresto na nahaharap sa ibat ibang kaso.