Nahulog na rin sa kamay ng otoridad ang wanted na Korean sex-predator matapos ang humigit kumulang na walong taong pagtatago sa batas.

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng CIDG at Bureau of Immigration (BI) at QCPD ang wanted na Koreano sa bahay nito sa Capitol Estate1, Quezon City.

Nakilala ang naarestong Koreano na si Seo Inho, 53-anyos.

Ang operasyon ay isinagawa ng CIDG ATCU matapos makatanggap ng sumbong mula sa Korean police desk tungkol sa pinagtataguan ng wanted na si Seo Inho.

Si Inho ay mayroong Interpol Red notice kung saan napatunayan ng hukuman ng Korea na nagkasala ito ng pang aabusong sexual at maltreatment na nahatulang mabilanggo ng dalawang taon at anim na buwan.

Samantala, agad nagpalabas ng summary deportation order at arrest warrant ang Bureau of Immigration.