
Taliwas sa nakalipas na pagtaya, walang surge sa admission ng COVID-19 hospital sa kasagsagan o matapos ang Yuletide season.
Ayon kay Private Hospital Association of the philippines Inc. (PHAPI) president Rene de Grano, karamihan sa mga dinapuan ng COVID-19 ay mild cases at hidni na kailangang ma-confine sa ospital o masuri sa covid-19.
Ayon naman kay Philippine College of Physicians Ex-president Dr. Maricar Limpin, nakamit na ng bansa ang population immunity sa kasalukuyan.
Bagama’t hindi pa naabot ng bansa ang target na herd immunity mula sa COVID-19 vaccination, sinabi ni Dr. Limpin na ang mataas na bilang ng mga nagpositibo sa covid19 ay nagbigay sa bansa na makamit ang population immunity.
Aniya, base sa obserbasyon, maikokonsidera na ang bansa na ligtas mula sa banta ng virus kumpara sa China na may mababang covid-19 infection na resulta ng kanilang ipinatupad na zero COVID-19 policy.
Sa kabila nito, ipinaalala ni Dr. Limpin sa publiko na magpabakuna at patuloy na magsuot ng face mask para matiyak na mananatiling mababa ang mga kaso ng covid-19 sa bansa.










