-- Advertisements --

Wala umanong nasaktang Pinoy matapos ang pagbagsak ng China Eastern jet lulan ang 132 passengers sa isang remote mountainside sa Southern China.

Ito ang masayang inihayag ni Philippine Consul General to Beijing Dinno Oblena.Sinabi ni Oblena, kinumpirma daw ng pamunuan ng Boeing 737-800 aircraft na ang lahat ng mga pasahero ay Chinese nationals.

Wala umanong mga Pinoy o iba pang banyaga ang nakasakay sa naturang eroplano nang ito ay bumulusok at nagliyab.

Galing ang naturang eroplano sa western city ng Kunming at papuntang metropolis ng Guangzhou nang naganap ang insidente.

Patuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng konsulada ng Pilipinas sa naturang bansa sa Guanzhou local authorities para alamin kung may mga Pinoy sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano.

Agad namang nagpaabot nang pakikidalamhati ang bansa sa pamilya ng mga biktima ng malagim na trahedya.