-- Advertisements --
DFA1

Walang Pilipinong namatay o nasugatan sa insidente ng pamamaril sa isang mall sa Bangkok ayon sa Department of Foreign Affairs.

Kaugnay nito, sinabi ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Embahada ng Pilipinas sa Thailand.

Aniya, nang mangyari ang insidente maraming mga Pilipino ang nasa mall subalit base sa impormasyon ng mga casualty lumalabas na walang naitalang mga Pilipino.

Una rito, isang 14 anyos na lalaki ang naaresto matapos ang pamamaril sa Siam Paragon shopping centre na ikinasawi ng 2 katao at 5 naman ang nasugatan.

Kinasuhan ang suspek ng premeditated murder at illegal possession of firearm.

Ayon sa police, dumaranas ng psychological breakdown ang menor de edad na suspek.