-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang namataang barko ng Tsina sa isinagawang Kaagapay maritime exercises sa West Philippine Sea ng Philippine Coast Guard, Japan Coast Guard (JCG) at United States Coast Guard (USCG).
Ayon kay PCG deputy spokesman Lt. Junior Grade Jherich John Ybañez naging matagumpay ang naturang exercises ngayong taon na nakatuon para sa search at rescue at security.
Sinabi din ng PC official na kahit na malayo ang pinagtatalunang teritoryo mula sa site ng maritime exercise, nakahanda na maglunsd ng radio challenge ang PCG sakaling may foreign vessels na magtatangkang pumasok sa Philippine shores.
Nagdeploy ang PCG ng security vessels sa naturang joint exercise bilang parte ng protocol nito.