-- Advertisements --

Walang naitalang nakaligtas sa naganap na pagsabog ng isang gusali sa isla ng Jersey sa London.

Ayon sa Chief Officer of the States of Jersey Police Robin Smith, agad na nasawi ang tatlong katao habang marami ang natabunan sa pagguho ng tatlong palapag na gusali sa St. Helleir ang capital ng Isla.

Mayroong hanggang 30 katao ang inilikas at nagtamo ng mga sugat sa katawan kaya sila dinala sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog na base sa inisyal na imbestigasyon ay mula sa nag-leak na gas.