-- Advertisements --

Hindi dapat maglatag ng kondisyon si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Ma. Sison sa pag-uwi nito sa Pilipinas para sa peacetalks.

Ito ang binigyang-diin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos sabihin ni Sison na uuwi lang siya sa bansa kung magkaroon ng malaking pag-usad ang peace negotiations.

Idagdag pa rito ay kung makokontento ang kanyang mga abogado sa ibibigay na seguridad sa kanya.

Hiniling din ng CPP chair ang amnesty sa mga political prisoner at ang pagdedeklara ng ceasefire.

Ayon kay Lorenzana, wala sa posisyon si Sison para manghingi ng kondisyon dahil ang grupo naman nito ang humihiling na buhayin ang peacetalks.

Gayunman, suportado ng Defense chief ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa Pilipinas na lang gawin ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Suportado rin ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang nasabing hakbang ng gobyerno para matuldukan na ang problema sa insurgency.