-- Advertisements --
gulay

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na walang gaanong inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Christmas holidays na kalimitang mataas ang demand dahil sa mga handaan.

Paliwanag ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, ito ay dahil na rin sa matatag na lokal na produksyon kabilang na ang tuloy-tuloy na karagdagang imports na pumasok sa bansa at nakatakdang dumating.

Para naman sa karne partikular ang baboy at manok, sinabi ng DA official na nakikitang maganda ang lokal na produksyon.

Sa karneng baboy pa lamang, sinabi ng DA official na nasa karagdagang 300,000 metrikong tonelada ang maproproduce sa huling quarter ng taon.

Pagdating naman sa karneng manok, walang nakikitang problema dahil mataas ang lokal na produksyon dito.

Sa bigas naman, sinabi ni ASec. De MEsa nananatiling stable ang presyo nito simula ng alisin ang price cap sa well-milled at regular-milled rice.