-- Advertisements --

Walang sapat na dahilan para ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas, ayon kay Commission on Human Rights (CHR) commissioner Karren Dumpit.

Sinabi ito ni Dumpit sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong araw ilang linggo matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na asikasuhin ang nakabinbing death penalty bills laban sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Dumpit, maari amang ibalik ang capital punishment kung mayroong compelling reasons na may kaugnayan sa heinous crimes.

Nakasaad aniya sa Saligang Batas na ang mga “most serious crimes” lamang ang maituturing bilang heinous crimes, at base sa international law, hindi kasama rito ang mga krimen na may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.

Samantala, tinukoy din nito ang mga international agreements at obligations, tulad ng International Covenant of Civil and Political Rigths at Second Optional Protocol sa ICCPR, na maaring malalabag ng Pilipinas kung ibabalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

‘Walang compelling reason para ibalik ang pagpataw ng parusang kamatayan sa Phl’ – CHR commissioner