-- Advertisements --
IMG 20191227 122312

Nanumbalik na umano ang normal na operasyon ng mga shipping maging ang mga fishing companies matapos silang payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag na.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ngayon ay wala na umanong mga pasahero, vessels, motorbancas at rolling cargos sa mga pantalan.

Maalalang libo-libong pasahero ang stranded noong Disyembre 23 at nag-Pasko na sa mga pantalan dahil hindi pinayagan ng PCG na bumiyahe ang mga sasakyang pandagat matapos itaas ang storm signal sa maraming lugar sa bansa.

Kanina lamang nang mag-exit na ang tropical storm sa Philippine Area of Responsibility (PAR).