Hindi pinilit ang mga nakatanggap ng ayuda na pumirma sa waiver na inilabas ng pamahalaang lokal ng San Jose Del Monte City Bulacan.
Iginiit ni Atty. Elmer Galicia, City Legal Officer ng San Jose del Monte, na boluntaryo itong ginawa ng mga kumukuha ng ayuda.
Ang naturang waiver ay gagamitin din kasi aniya nila para sa pag-audit ng Commission on Audit sa P596 million na pondong ibinigay ng national government sa San Jose Del Monte City Bulacan.
Sinabi rin ni Galicia na malinaw sa Joint Memorandum Circular na ipinalabas ng Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, at ng Department of National Defense na nasa kapangyarihan ng mga local government units sa kung anong paaran ipapamahagi sa kanilang mga residente ang cash assistance na hatid ng pamahalaan.
Dagdag pa nito, ang waiver na boluntaryong nilagdaan ng mga nakatanggap ng ayuda ay patunay lamang na nauunawan ng tao ang kanilang tinanggap na tulong.










