Wala umanong ideya si Prince William kung nanganak na ang kanyang celebrity sister-in-law na si Meghan Markle.

Nabatid na kabuwanan na ng 37-year-old Duchess of Sussex ngunit mistulang guessing game pa rin ang mga fans nila ng asawang si Prince Harry.

Sa isang panayam kay Prince William na kasalukuyang nasa New Zealand para bisitahin ang mga biktima ng Christchurch mosques terrorist attack, nakorner ito ng media hinggil sa bagong miyembro ng British royal throne.

“I haven’t got my phone on me, I have no idea. You guys will find out before I do at this rate,” sagot nito. (cosmopolitan)