-- Advertisements --
image 105

Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na pabibilisin niya ang pagresolba sa kaso hinggil sa pagkamatay ng Grade 5 student sa Antipolo.

Inatasan ng Department of Education ang regional office nito na mayroon itong hanggang bukas para tapusin ang fact finding investigation sa kaso ng pagkamatay ni Francis Jay Minggoy Gumikib.

Ayon sa bise presidente, kailangan na makapagsampa ng kaso sa sino mang responsable sa pagkamatay ng estudyante.

Sa pagbisita nito sa burol ni Francis, tiniyak ni VP Sara Duterte sa magulang na pabibilisin nito ang proseso ng kaso.

Magbibigay din ng agarang tulong gaya ng Psychological First Aid sa mga magulang at mga kapatid ng namatay.