-- Advertisements --

Hinimok ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa drug test matapos ang binitawang alegasyon ni Senator Imee Marcos na gumagamit umano ang First Family ng ipinagbabawal na droga.

Sa isang panayam sinabi ni VP Sara na dapat magpakita ng resulta ang Pangulo upang mapatunayan na kaya pa nitong pamunuan ang bansa.

Nang tanungin naman kung naniniwala siya sa alegasyon, sinabi ng Bise Presidente, na lahat umano ng nakakasama nila sa party ay sinasabi na gumagamit ang mga ito ng droga.

Sa kabilang banda una nang nilinaw ng Palasyo na negatibo ang naging resulta ng drug test ni Pangulong Marcos at hindi nito balak na sumailalim sa hair follicle test.

Kaugnay nito, no comment naman si VP Sara tungkol sa posibilidad na pumalit sa Pangulo sakaling mapatalsik sa pwesto dahil mas lalala lamang umano ang sitawasyon.

Nakatakda naman si Duterte na dumalo sa Senate Hearing sa Huwebes, Nobyembre 27, para sa 2026 budget ng Office of the Vice President.