-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si outgoing Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa kanyang kontribusyon sa pagpapalalim ng ugnayan ng Singapore at Pilipinas.
Ipinahayag ni Duterte ang kanyang pasasalamat kay Hong habang ito ay personal na nagpaalam sa Bise Presidente sa kanyang opisina sa Mandaluyong City.
Tinapos ni Ambassador Hong nitong buwan ang kanyang apat na taong tour of duty sa Pilipinas bilang nangungunang diplomat ng Singapore.
Una na rito, itinalaga si Hong bilang permanenteng kinatawan ng kanyang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).