-- Advertisements --

Suportado ni Vice President Sara Duterte ang panukalang rightsizing ng burukrasya ng Department of Budget Management (DBM) para maka likom ng pondo ang pamahalaan, ngunit hindi sa lalong madaling panahon.

Nauna rito, pinaboran ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na bigyang karapatan ang burukrasya upang alisin ang mga kalabisan, hindi epektibo, at hindi mahusay na mga katawan ng gobyerno na makakatulong sa pag-save ng mga pondo.

Sinabi ni Duterte na bagamat suportado niya ang nasabing hakbangin dapat hindi ito gawin sa lalong madaling panahon.

Binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo na hindi niya nakikita na mangyari ito kaagad dahil mahirap mag-rightsize ng buong government.

Ayon kay Duterte, ang nasabing panukala ay isang magandang direksiyon para sa Pangulo para nare-review ang lahat na mga empleyado at maging ang mga pwesto at kung useful ito sa mga opisina at ahensiya ng gobyerno.

Ilang mga mambabatas naman ay nagpahayag ng kanilang suporta sa planong rightsizing sa mga ahensiya ng gobyerno.