Nagpaabot ng pasasalamat si Vice President Sara Duterte para sa Filipino Community sa Malaysia para sa kanilang mainit na pagsalubong at oportundiad na mapakinggan ang kaniya mga kwento.
Sa ibinahaging karanasan ni VP Sara sa kaniyang pakikipagkita sa mga Pilipinong naninirahan at nagtratrabaho sa Malaysia, sinabi nito na nakakataba ng puso na marinig ang mga kwento ng mga Pilipinodoon at malaman na masaya sila kahit na malayo sila sa kanilang bayang sinilangan.
Masaya din ito na malaman na ang kaniyang presensiya sa pakikipagkita niya sa FilCom sa Malaysia ay nakatulong upang maibsan ang kanilang pangungulila sa kanilang mga pamilya at kaibigan na narito sa Pilipinas.
Matatandaan na nagtungo si VP Sara nitong linggo sa Malaysia para gampanan ang kaniyang tungkulin bilang Presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).