Bumisita si VP Sara Duterte sa mga paaralan na apektado ng naganap na malawakang oil spill sa Pola, Oriental Mindoro.
Kaugnay ng kanyang pagbisita, iminungkahi ng bise presidente ang blended learning sa gitna ng kanilang mataas na bilang ng mga pagliban o absences.
Bukod sa paggamit ng alternative delivery mode, tulad ng online classes o modular setup, hinimok din ni Duterte ang mga mag-aaral na makipagtulungan sa kanilang mga kaklase upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbabasa.
Sinabi niya na ito ay mahalaga upang matulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa komunikasyon at pagpapaunlad ng sarili.
Dagdag dito, nagbigay ng tulong pinansyal ang bise presidente sa 289 na magulang ng mga apektadong mag-aaral sa lugar, katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ng Office of the Vice President na apat na oil spill-affected barangays ang nakatanggap ng tig-P20,216 na halaga ng tulong.










