-- Advertisements --

Hindi umano makakadalo sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Hunyo 19, 2022 ang papalitan niyang si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa kampo ni Robredo, may nauna nang commitment ang pangalawang pangulo sa Naga City, bago pa man dumating ang paanyaya ng susunod na bise presidente.

Samantala, darating naman sa event si dating Pangulong Gloria Arroyo para makibahagi sa nasabing event.

Si VP-elect Inday Sara kasi ang tumatayong pinuno ng Lakas-CMD, kung saan kabilang ang dating President Arroyo.

Wala namang kumpirmasyon kung dadalo rin si Pangulong Rodrigo duterte sa panunumpa ng kaniyang anak.