Tinawanan lang ni Vice President Leni Robredo ang trending ngayon sa social media sites na pekeng larawan ng kaniyang di-umano’y pagpapaturok ng coronavirus vaccine.
Inulan kasi ng kritisismo ang ikalawang pangulo dahil makikita sa larawan na nakababa ang sleeves ng kaniyang suot na damit noong nagpaturok daw siya ng bakuna.
Ayon sa bise-presidente, hindi siya ang babae sa naturang larawan at halata naman daw na dinoktor lang ito upang magmukhang totoo. Ayaw na raw sana itong patulan ni VP Leni pero ang daming nagpadala sa kaniya ng mga screenshots.
Pinost na rin ni VP Leni ang collage ng nasabing pekeng larawan, maging ang mga accountes ng nag-share nito na pagmamay-ari ng isang Ash Romero, Jl Macana, Jay-Ar Dionisio, at Mark Patrick Pascual Balaca.
Kung maalala, naging kritical ang ikalawang pangulo sa proseso na pinagdaanan ng Sinovac vaccine mula China.
Saad pa nito na ang nasa larawan daw ay si Dr. Flordeliza Grana, isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) at may suot itong “bakuna blouse” o sleeves na may hati sa gitna.
Nagawa pang humingi ng paumanhin ni VP Leni sa nasabing doktor dahil nadamay pa raw ito sa fake news.