Nilinaw ni Vice presidential candidate at Senate President Vicente Sotto III na walang withdrawal talks sa kaniyang pakikipag-usap sa telepono kay Liberal Party stalwart at Senate Minority Leader Franklin Drilon.
Sa katunayan, hindi aniya ito magagawa ni Sen. Drilon dahil mas kilala nila ang isa’t isa.
Inihayag din ni Sen Sotto na wala siyang natanggap na tawag mula sa ibang kampo para hilingin na umatras ito sa vice presidential bid.
Nauna rito, inamin ni Drilon na tinawagan niya si Sotto para sa posibleng unification talks.
Subalit nilinaw ni Drilon na hindi niya kinumbinsi si Senate President Sotto para sa posibleng Robredo-Sotto tandem.
Nanindigan din si Drilon na nananatiling consistent aniya si VP Leni na si Senator Kiko Pangilinan ang kaniyang running mate para sa May 9 elections.