Nagpaliwanag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kung saan inilaan ang mahigit ₱1.2-B pondo ng Office of the Vice President.
Ito ay matapos ilabas ng Commission on Audit (COA) na nakitaan ng paglabag sa Republic Act 9184 ang aabot sa ₱600,000 halaga ng ginastos sa stellite office ng OVP
Sa 2023 Report ng tanggapan ng pangalawang pangulo, sinabini VP Sara na malaking parte ng naturang budget ang inilaan para sa pagbibigay ng tulong medikal para sa mahihirap na Pilipino.
Ayon sa bise presidente, halos 107,000 mga Pilipino ang natulungan magmula sa kaniyang pag-upo sa puwesto noong taong 2022 hanggang Oktubre ngayong taon.
Dagdag pa rito, nagkaloob din aniya ang kaniyang tanggapan ng mahigit ₱130-milyong piso tulong para sa pagpapalibing o burial assistance at nakinabang aniya rito ang higit 22,400 pamilya.
Paliwanag pa ni Duterte, simula nang inilunsad nila ang pagtatayo ng satellite offices sa iba’t ibang parte ng bansa, mas marami aniya ang mga Pilipinong natulongan.