Nilinaw ni House Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na hindi nakasaad sa 1987 Constitution ang pagboto ng hiwalay ng Senado at House of Representatives hinggil sa panukalang pag amyenda sa economic provisions sa Saligang Batas kundi sariling interpretasyon lamang ito ng mataas na kapulungan.
Siniguro naman ni Acidre na sila sa House of Representatives ay susunod kung ano ang nakasulat sa Saligang batas.
Ang pahayag ng Kongresista ay tugon sa alalahanin ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7), ng House of Representatives partikular sa probisyon na nire-equire ang lahat ng miyembro ng Kamara na sama-samang bumuto sa panukalang pag-amyenda sa economic provisions sa 1987 Constitution.
Suportado naman ni Sen. Estrada na amyendahan ang economic constitutional amendments subalit di sang-ayon sa requirement ng RBH 7 sa joint voting kundi separate voting.
Pagbibigay-diin ni Acidre na ang RBH No. 7 ay sumusunod sa kasalukuyang constitutional provisions.