Nagpapakita na dapat magtatag ng bagong batas sa isang special voting period ang napakalaking turnout ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWD) sa maagang pagboto na binuksan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na isinusulong ng ahensya ang “Early Voting Law” upang payagan ang mga mas mahinang sektor na magparehistro at bumoto sa mas maagang schedule.
AYon kay Garcia, ito ay upang makakapag-register ang mga botante ng mas maaga.
Kaugnay niyan ay humingi ng paumanhin ang Comelec chief sa mga nakatatanda at PWD na naabala sa pagpirma ng ilang dokumento bago sila nakaboto.
Sinabi ni Garcia na nahirapan ang mga senior citizen sa pagboto sa mga emergency access polling places (EAPP) dahil kailangan nilang pumirma sa waiver para madala ang kanilang mga balota mula sa kanilang presinto.
Una na rito, nangako ang COMELEC na sa susunod na halalan ay hindi na magkakaroon ng mga papeles at dokumento na kailangan pirmahan ng mga matatanda.