-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na pansamantalang suspendido ang voter registration mula ngayong araw, Disyembre 24 hanggang 26 at sa Disyembre 31 hanggang Enero 2 , 2023 kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon.
Ayon sa advisory ng Comelec, lahat ng opisina ng election officers at satellite officers sa buong bansa ay sarado sa nabanggit na mga petsa.
Ito ay salig na rin sa Resolution No. 10868.
Ang voter registration ay magpapatuloy na sa Enero 3 ng taong 2023, araw ng Martes.