-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng drugmaker na Johnson & Johnson ang ginagawa nitong clinical trial ng kanilang coronavirus vaccine dahil sa hindi maipaliwanag na sakit ng isa sa mga volunteers.

Sa pahayag na inilabas ng kumpanya, kasalukuyan nang inaaral ng ENSEMBLE independent Data Safety Monitoring Board (DSMB) ang lagay ng pasyente.

Hindi naman daw maiiwasan ang mga ganitong kaganapan sa malawakang clinical study. Hindi na rin nagbigay ng karagdagang impormasyon ang nasabing kumpanya kung anong sakit ang nararanasan ng kanilang volunteer subalit isa sa kanilang layunin ay alamin ang mga side effects ng dine-develop na bakuna.

Kaagad itinitigil ng mga eksperto ang isang clnical trial sa oras na magkaroon ng sakit ang mga volunteers, dito ay inaalam nila kung maiuugnay ito sa bakuna o sadyang coincidence lamang.