-- Advertisements --
isda palengke mamimili customer consumer

Iniulat ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang pagtaas ng volume ng mga isdang naitala sa mga fish port sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay batay sa kabuuang datos nitong ikatlong kwarter ng taon kumpara sa ikalawang kwarter.

Naabot ang hanggang 123,813.37 metriko tonelada ng isda sa ikatlong kwarter habang 121,062.55 metriko tonelada noong 2022. Ito ay katumbas ng 2.27% na pagtaas.

Batay pa sa datus ng mga fish port sa bansa, umaabot sa 1,345.80 metriko tonelada ang ibinabagsak araw-araw.

Ang naturang datos ay mula sa siyam na rehional fish port ng bansa. Ito ay binubuo ng 136 municipal fish port na nasa ibat ibang bahagi ng rehiyon.

Samantala, iniulat naman ng Philippine Fisheries Development Authority ang pagpapatuloy ng konstruksyon at rehabilitasyon sa iba pang mga fish port sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga ito ng Davao Fish Port Complex, Zamboanga fish port complex, atbp.