-- Advertisements --
Nabawi na ng mga rescuers ang black box ng bumagsak sa Tara Air sa Nepal.
Kasabay din nito ang pagkadiskubre na rin ng lahat ng 22 bangkay na lula ng eroplano.
Binubuo ito ng apat na Indians, dalawang Germans at 16 na Nepali ang pasahero ng bumagsak na eroplano.
Sinabi ni Deo Chandra Lal Karna ang tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of Nepal (CAAN) na kanilang pag-aaralang mabuti ang nabawi nilang voice recorder o black box.
Magugunitang galing sa bayan ng Pokhara ang eroplano patungong Jomson ng nawalan na ito ng signal matapos ang 20 mintuo sa ere.