-- Advertisements --

Napilitan si Queen Elizabeth ng Britain na kanselahin ang isang nakaplanong virtual meeting kasama ang mga ministro.

Ito ay matapos payuhan ng kanyang mga doktor na magpahinga, isang araw matapos italaga ng 96-year-old monarch si Liz Truss bilang bagong punong ministro ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Buckingham Palace, ang reyna ay kasalukuyang nasa kanyang tahanan sa Scottish, Balmoral Castle.

Ang monarch ay nakaranas ng “episodic mobility problem” mula noong katapusan ng nakaraang taon, na nagpilit sa kanya na bawasan ang mga engagements mula noon at bawasan ang kanyang mga public appearances.

Ang Buckingham Palace ay hindi nagbigay ng karagdagang mga detalye tungkol sa kalusugan ng reyna ngunit sinabi na ang pinakabagong payo mula sa kanyang mga doktor ay walang kinalaman ang hospital.