-- Advertisements --
Itinigil na ng Indonesian army ang ginagawa nilang virginity test sa mga babaeng aplikante na maging sundalo.
Ito mismo ang kinumpirma ni Indonesian army chief Andika Perkasa matapos na umani ng batikos.
Ang “two-finger test” na ginagawa ng mga doctors sa mga babaeng kadete para matiyak na silay ay virgin na nagsimula pa noong 2014.
Pinangunahan ng New York-based Human Rights Watch ang nasabing imbestigasyon dahil ito ay isang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan.
Dahil dito sinabi ng Indonesian army chief na magiging pantay na lamang ang pag-recruit sa mga lalaki at babaeng sundalo.
Ikinatuwa naman ng mga human rights groups ang bagong desisyon na ito ng Indonesian army.