Inanunsiyo ng beteranang actress Vilma Santos na muling gagawa ito ng pelikula kasama si Christopher de Leon.
Sinabi ng actress na nasimulan na nilang gawin ang pelikula na pinamagatang “When I Met You In Tokyo”.
Kuwento ng actress ng ialok sa kaniya ang pelikula ay hindi na nito tinanggihan dahil sa alam niyang mayroon pa rin silang fans ni Christopher de Leon.
Bumagay aniya sa kaniyang edad ang kuwento ng nasabing pelikula.
Huling pelikula ng actress ay noon pang pitong taon ang nakakaraan na pinamagatang “Everything About Her”.
Unang nagtambal ang dalawa ay noong 1975 sa pelikulang “Tag-Ulan sa Tag-Araw” na sinundan ng “Masarap, Masakit ang Umibig” noong 1977.
Habang huling nagsama ang dalawa ay 15 taon na ang nakalipas sa pelikulang “Mano Po”.