-- Advertisements --
china Xi Jinping duterte 1

Tinawag ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin si Pangulong Rodrigo Duterte na “bahag ang buntot” matapos pagbantaan ng huli ang mga nagnanais na sampahan siya ng impeachment complaint.

Sa halip daw kasi na komprontahin ang China sa pagiging agresibo sa West Philippine Sea katulad na lamang nang pagkakabangga kamakailan sa bangka ng 22 mangingisdang Pilipino sa Recto Bank ay nagawa pang takutin ni Pangulong Duterte na kanyang papatayin ang mga Pilipinong na nagnanais na magkaroon siya ng accountability.

“A President should lead our nation to protect our territory and uphold our sovereignty at all cost,” ani Villarin.

Iginiit ng kongresista na hindi naman ninanais ng Pilipinas na magkaroon ng giyera kontra China, kundi hustisya lamang sa mga mangingisdang nabiktima sa naturang insidente.

Sinabi ni Villarin na nakataya sa issue na ito ang maritime zone ng Pilipinas na mas malaki pa sa total land area ng bansa, na tila “willing” na ibigay ni Pangulong Duterte sa China.