-- Advertisements --

Vilar dumipensa sa pagdalo nilang mga gov’t officials sa ribbon-cutting sa kakabukas lang na COVID-19 modular hospital (loop: Villar, COVID-19 modular hospital sa QUezon institute)

Walang nakikitang masama si Public Works Secretary at isolation czar Mark Villar sa pagdaraos ng mga ceremonya sa pagbubukas ng mga bagong COVID-19 facilities.

Ito ay matapos na batikusin ni Senator Nancy Binay ang ribbon-cutting sa bagong 110-bed capacity modular hospital sa Quezon Institute.

Iginiit ni Villar na hindi naman dapat gawin pang issue ang pagsasagawa ng final inspection at maging ang pagbabasbas sa mga building na itinayo ng pamahalaan.

Magugunita na isa si Villar sa mga dumalo sa inauguration ng bagong COVID-19 facility kasama sina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Senator Bong Go kahapon.

Nauna nang sinabi ni Binay na ang ribbon-cutting at photo opportunities na ito ay nag-iiwan ng “bad taste” para sa mga COVID-19 patients at kanilang pamilya.