-- Advertisements --

Handa na raw ang Dangerous Drugs Board (DDB) na makatrabaho ang bagong pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Wilkins Villanueva.

Sa isang press statement, sinabi ng tanggapan na matagal na nilang katuwang si Villanueva sa laban ng gobyerno kontra iligal na droga.

“DDB has involved him in many of its anti-drug efforts particularly in policy formulation and strategy development aspects which helped craft many of its inter-agency priorities all these years,” ayon sa ahensya.

Bago itinalaga ni Pangulong Duterte bilang PDEA chief, dating nanungkulan si Villanueva sa regional office ng ahensya sa Northern Mindanao.

“DDB intends to engage more closely and deepen the collaboration with his leadership noting that he will become an ex-officio member of the board.”

Si Villanueva ang ika-pitong director general ng PDEA, na nagsabing may mga bagong protocol siyang ipapatupad sa mga operasyon anti-illegal drugs, ngayong may COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat naman ang DDB kay former PDEA chief Aaron Aquino na ngayon ay hepe na ng Clark International Airport Corporation.