-- Advertisements --

Pumanaw na ang lead singer ng sikat na grupong Village People na si Victor Willis sa edad na 74.

Kinumpirma ng kaniyang asawa ang pagpanaw ng singer matapos nadapuan ng maikli at agresibong sakit.

Ang Texas-born musician ay co-founder ng Village People kung saan kabilang siyang sumulat ng sikat na kantang “Y.M.C.A”, “In The Navy” at “Macho Man”.

Dahil sa kanilang kakaibang mga costumes at choreography ay pumatok ang kanilang grupo sa mga malaking gay audience kung saan iba’t-ibang mga characters gaya ng butch builders,bikers at sundalo.