-- Advertisements --

Natapos na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.

Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.

Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My Dinh National Stadium na dito gaganapin ang football at track and field ,
Tiniyak din ng mga Vietnam committees na kanilang mahahabol ang mga itinakdang deadlines para sa nasabing palaro.

Sa susunod na buwan ay iaanunsiyo nila kung papayagan ang mga audience na manood sa nasabing playing venue.

Gaganapin ang Hanoi, Vietnam SEA Games mula Mayo 12 hanggang 23 kung saan mayroong 40 sports at 526 events na inaasahang maglalaban-laban ang 12 mga bansa sa South East Asia.